DISCLAIMER: Hindi po ito get-rich-quick scheme. Ang mga earnings ko po ay hindi ko nacashout ng isang araw lang. Slow but steady income po ang PTC. Nasa inyo na po kung gusto niyong kumita ng malaki through referrals. Extra income lang naman po ito. Hindi po tayo kikita kung hindi tayo magiging active. Sabi nga ng teacher ko nung high school
There is no elevator to success, One must take the stairs

TIPS para sa mga PTC newbies

Ang PTC po ay commission based per click at hindi commission based per sign up. Ang goal po ng bawat PTC investor gaya ko ay hindi makapagsign up lang ng referrals. Kailangan din po na manatiling active ang mga referral na nagsign up para magkaroon ng commission. Pero madaming mga PTC investors sa net na nagbibigay ng maling information at expectation sa mga net surfers para magsignup sila. May magpapakita na kumikita sila ng $1000 na 5 mins lang daw nila ginawa. Oo pwede naman talagang mangyari yun. Pero kapag madami ka ng referrals at naginvest ka na sa isang PTC site. Eh paano naman yung mga standard members or free members na oras lang ang puhunan? Akala nila talagang magkakaroon sila ng $1000 in the next 5 minutes. Ang tendency tuloy after ng ilang clicks suko na sila. Sayang naman yung chance na kumita sila online. Kung naipaliwanag lang sanang mabuti na kung paano sila kikita ng malaki online edi sana hindi sila naggive up agad at nahintay sana nila na sila din kumikita na ng $1000 para sa 5 minutes na pagclick nila sa mga ads.

Para sa akin malaki ang potential ng PTC lalong lalo na sa mga PINOY. Unang una walang educational requirements para magparticipate sa mga PTC sites. Hindi kailangang expert sa computer o magaling magIngles. Ang dapat lang alam mo ang basic sa computer, ano ba ang basic na kakailanganin mo para magparticipate sa PTC? Edi magclick :) At isa pa marunong sumunod sa instruction na napakadali lang naman sundin. Tinatawag ko nga itong Login-Click-Wait-Close daily habit. Login to your account, Click the Ads, Wait for the timer to finish, Close the tab/browser. Everyday for a few minutes ganyan lang naman ang gagawin mo. Bakit hindi mo subukan?


Eto ang mga Tips ko para mas maging successful ang pagiging PTC clicker mo at hopefully after 1 month makapagpost ka na din ng sarili mong proof of payment. :)

Tip no. 1 : Ang PTC ay hindi po get-rich-quick scheme. Huwag magexpect na after 1 day meron ka ng $500. May mga kumikita nga ng malaki pero hindi naman yun overnight na nangyari. Lahat naguumpisa sa maliit na cashout. It takes time para kumita ng ganon kalaki. 

Tip no. 2 : FREE ang PTC. Tandaan mo wala kang ilalabas na pera dito. Wala PTC site na maniningil upon registration. Ang paguupgrade ay optional lang.

Tip no. 3 : Kapag nagdecide ka na gusto mong magPTC dapat gumawa ka ng bago mong email account at yun ang gamitin mo pangregister sa mga PTC sites. Para nakahiwalay yung personal email account mo sa business email account mo.

Tip no. 4 : Highly recommended ko na magfocus ka lang muna sa tatlo hanggang limang PTC sites kung starting ka pa lang para masigurado na mamomonitor mo silang lahat. Alam kong madaming promising na PTC sites at maari kang matempt magsign up sa mga yun. Pero patience lang, hintayin mo munang makabisado mo ang in and out ng PTC programs. I recommend Clixsense, Neobux at Buxp para sa mga PTC newbies. Well established na ang mga sites na ito at talaga namang ontime magbayad.
Heto ang sample earnings mo sa isang araw bilang standard member sa clixsense $.001 per ad x 30 regular ads per day = $.03 + $.01 premium ads = $.04. Sa isang buwan $.04 (per day) x 30 days = $1.2.
Heto naman ang sample earnings mo sa Neobux bilang standard member sa isang araw $.001 per ad x 13 regular ads per day = $.013 + $.005 premium ads = $.018. Sa isang buwan $.018 (per day) x 30 days = $.054.
Heto naman ang sample earnings mo sa Buxp bilang standard member sa isang araw average $.001 x 50 = $.05. $.05 (per day) x 30 days  = $1.5.
Note: Lahat ng computations na yan ay sample earnings mo kung wala kang referral. Mas malaki pa dyan ang earnings pag may referral. At syempre mas malaki kung upgraded member ka na. Depende din sa dami ang ads per day. Average ad lang yan, pwedeng mas madami pwede din mas konti.

Tip no. 5 : Gawin mong unang referral ang mga personal friends mo para mas mabilis ang earnings mo at syempre para na din maturuan sila ng income opportunities.

Tip no. 6 : Huwag ka munang maglabas ng pera lalo na kung nagstart ka pa lang. At personally ang ginagawa ko kapag kumita na ako sa isang PTC site yung kinita ko dun hindi ko kinacashout. Ginagamit ko yun para iupgrade ang membership ko. Example sa Clixsense nung umabot na sa $15 ang earnings ko, ginamit ko yun para iupgrade ang membership ko sa premium. Ang upgrade nila is worth $14.95. Ngayon mas malaki na ang earnings ko per referral click at pag my referral ka ng nagupgrade meron kang instant $2. Ang maganda pa, kapag nagupgrade yung referral ng referral mo meron ka ulit instant $1. Yan ang maganda sa Clixsense.

Tip no. 7 : Isabay mo ito sa regular surfing hours mo. Isabay mo habang nagfefacebook o kaya habang naghihintay na magbuffer ang youtube. Dahil pwede naman na habang nagbabrowse ka nakabukas siya sa ibang tab. Balikbalikan mo na lang yung tab para macheck yung timer kung tapos na.

Tip no. 8 : Kung may sarili kang computer magdownload ng toolbar para malaman mo kung may available ads na ulit para sayo.

Tip no. 9 : Huwag mandaya. Kung may sarili kang internet sa bahay huwag kang gumawa ng multiple na accounts dahil madedetect din naman nila ang IP address mo kahit gumamit ka pa ng Proxy.

Tip no. 10 : Huwag kalimutang maglogout.

Tip no. 9 : Kapag serious PTC investor ka na huwag mong kakalimutan ang mga referrals mo. As much as possible kapag may tanong sila na kaya mong sagutin tulungan mo sila.